Natural lang magkamali ang tao dahil wala namang perpektong tao sa mundo, pero sa bawat pag kakamali natin wag nating ikulong ang ating sarili sa ating maling ginawa. isipin na lang natin na ang pagkakamaling yun ay gawing nating dahilan para hindi na ito maulit. At kung maulit man ulit un sa ibang pagkakataon, Sana at Dapat hindi na maulit ang pangyayari at ang ating naramdan sa parehong dahilan at sitwasyon. dahil dapat sa muling pag kakamali o pagkadapa natin ay dapat alam na natin ang ating dapat gawin. Dahil ang pagkakamali ay isang leksyon sa ating buhay para tayo ay magising sa katotohanan.
Ang bawat pagkakamali natin sa buhay ay dapat nating gawing inspirasyon para maging malakas at tumayo tayo sa sarili nating mga paa.